Unibersidad ng Valencia
Ang Unibersidad ng Valencia (Balensyano/Katalan: Universitat de Valencia [univeɾsiˈtad de vaˈlensia]; na kilala rin sa pamamagitan ng ang akronim na UV; Espanyol: Universidad de Valencia; Ingles: University of Valencia) ay sa isang unibersidad na matatagpuan sa lungsod ng Valencia. Ito ay isa sa mga pinakamatandang unibersidad sa Espanya, at ang pinakaluma sa Pamayanang Balensyano, at itinuturing na isa sa mga nangungunang akademikong institusyon sa bansa. Ang University ay itinatag noong 1499, at sa kasalukuyan ay merong 55,000 mag-aaral. Karamihan sa mga kurso ay pinapadaloy sa wikang Espanyol, ngunit nangangako ang unibersidad na taasan ang bilang ng mga kurso sa Balensyano, isang diyalekto ng wikang Katalan. Bukod pa rito, sa ilang mga digri bahagi ng pagtuturo ay sa Ingles.
Ito ay matatagpuan sa Mediteraneyong bahagi ng Espanya, sa lungsod ng Valencia kung na siyang kabisera at pinakamataong lungsod sa nagsasariling komunidad ng Valencia at ang ikatlong pinakamalaking lungsod sa Espanya, na may isang populasyong 829,705 noong 2014. Ang isa sa mga kampus nito ay matatagpuan sa metropolitanong erya ng Valencia, sa munisipyo ng Burjassot at Paterna.
39°28′45″N 0°21′33″W / 39.4790511°N 0.3590873°W Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.